NAGPAPASALAMAT pa rin ang pamilya Binay sa kabila ng pagbaba ng survery rating ni Vice-President Jejomar Binay sa panibagong survey ng Pulse Asia.
Ayon sa anak na si Sen. Nancy Binay, kahit bumaba ang kanyang ama sa survey ay nagpapasalamat sila dahil siya pa rin ang “most-trusted government official.”
Gayunman, aminado ang senadora na nakadagdag sa pagbaba ng survey ratings ng kanyang ama ang mga hearing na isinagawa ng Senado na nabahiran ng isyu ng korapsyon ang bise-Presidente.
Pero kailangan ng ama na magsipag pa sa trabaho at kampante rin itong makababawi sa survey.
Hindi naman aniya lahat ng oras ay mataas ang rating ng isang politiko. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment