Tuesday, October 7, 2014

Higit P3M halaga ng shabu, nasamsam sa Iloilo

UMAABOT sa mahigit kalahating kilo ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng awtoridad sa inilunsad na buy-bust operations sa isang motel sa Bgy. Bolilao, Mandurriao sa Iloilo City, alas-7:30, Martes ng gabi.


Batay pinakahuling ulat, tinatayang may street value na P3-milyon ang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 6 sa Queen’s Court Drive Inn Motel na ikinaaresto rin ng dalawang babaeng nagbebenta ng droga.


Kinilala ang dalawang suspek na sina Analyn Cabrobias at Ana Rocel Pareño, kapwa ng San Jose, Antique.


Ayon kay PDEA 6 Regional Director Paul Ledesma, unang nabilhan ng mahigit isang gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1,500 si Cabrobias at sumunod na pumasok sa motel si Pareño bitbit naman ang isang paper bag nakalagay ang droga na nakabalot sa carbon paper.


Hinihinalang galing pa ng Muntinlupa ang droga, ibiniyahe ng drug courier sa RORO patungong Antique at dinala ng dalawang suspek sa Iloilo City upang maibenta sa drug personalities sa siyudad.


Kakasuhan ang mga suspek sa paglabag ng Section 5, 11 at 26 ng Republic Act (RA) No. 9165. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Higit P3M halaga ng shabu, nasamsam sa Iloilo


No comments:

Post a Comment