Tuesday, October 7, 2014

Jurisdictional challenge ni Binay malalaman ngayon

DEDESISYONAN na ngayong araw ng blue ribbon sub-committee ang isyu ng jurisdictional challenge na isinampa ng kampo ni Makati Mayor Junjun Binay para ipatigil ang imbestigasyon hinggil sa sinasabing korapsyon sa Makati.


Ayon kay Senator Koko Pimentel, sub-committee chairman ng Blue Ribbon Committee, pagbobotohan ngayong umaga ng mga senador na dadalo sa senate hearing ang isyu.


Maalalang kahapon ay pinadalhan ni Senator Teofisto Guingona III, head ng Blue Ribbon committee ng sulat si Sen. Pimentel upang igiit na sila ang magdesisyon sa petisyon ni Binay.


Giit ni Guingona, dapat unahin muna ng sub-committee na resolbahin ang isyu bago ipagpatuloy ang hearing na itutuloy ngayong umaga.


Ayon naman kay Pimentel, aalamin muna nila kung talagang may basehan ang alegasyong overpriced ang parking building at iba pang proyekto sa Makati bago ituloy ang imbestigasyon.


Magugunitang naglabas na ng show cause order ang komite ni Pimentel laban kina Binay at iba pang sinubpoena at humihingi ng paliwanag kung bakit patuloy na hindi dumadalo sa pagdinig.


Una nang sinabi ni Pimentel na idaan nila sa tamang proseso ang gagawing hakbang laban sa patuloy na pang-iisnab ng kampo ni Mayor Binay sa imbestigasyon at kabilang na rito ang posibilidad na pagpataw ng contempt o ipaaresto. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Jurisdictional challenge ni Binay malalaman ngayon


No comments:

Post a Comment