PATAY ang isang vendor matapos barilin ng isa sa dalawang hindi pa kilalang mga suspek sakay ng motorsiklo habang nagliligpit ng mga panindang gulay sa Caloocan City, Miyerkules ng gabi, Oktubre 1.
Dead-on-arrival sa Caloocan Medical Center (CMC) sanhi ng tama ng bala sa ulo si Reynaldo Bornales, 46, ng C. Cordero St., ng lungsod.
Sa ulat, alas-7:50 ng gabi, nagliligpit ng mga paninda ang biktima sa tapat ng kanilang bahay nang sumulpot ang mga suspek kung saan isa ang agad na tumarget sa una.
Matapos ang indsidente ay tumakas ang mga suspek habang dinala naman sa CMC ang biktima ng kanyang asawa kung saan inaalam na kung sino at ano ang motibo ng mga una sa pagpatay. RENE MANAHAN
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment