HINDI lamang ang Makati Building II at cakes ang sentro ng overpriced isyu sa Makati City.
Nalantad na rin ang panibagong P61-milyong overpriced sa hospital at pagbili ng medical equipments.
Sa pagdalo ni Commissioner Heidee Mendoza ng Commission on Audit (COA) sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate blue ribbon sub-committee, bumulaga sa kanya sa isinagawang 2001 special audit sa ilalim ng administrasyon ni dating Makati City Mayor at ngayo’y VP Jejomar Binay ang P61-milyong overpriced sa hospital o medical equipments.
Katulad aniya sa hospital beds, cabinet at ultrasound machines.
Ipinakita ni Mendoza sa kada unit, na umaabot sa mahigit sa 100% ang overpriced sa pagkakabili ng medical equipments ng Makati City government.
Giit pa nito, walang naganap na bidding o kahit na ‘bidding-bidingan’ sa pagbili ng nasabing kagamitan dahil napalabas umano ng makati ang exclusive distributorship ng nag-iisang supplier ng mga equipment.
Nagawa umano ito sa pamamagitan ng mga pinalsipikang mga dokumento o papeles. LINDA BOHOL
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment