Tuesday, October 7, 2014

US gumamit ng attack helicopters vs ISIS

GUMAMIT na rin ng attack helicopters ang Amerika sa airstrikes laban sa militanteng ISIS.


Sinabi ni US Central Command spokesman Major Kurtis Kellogg na ang mga attack helicopters ay may kakayahan batay sa hinihiling na tulong ng Iraqi forces.


“It has a capability that was asked for by the Iraqi government,” ani Kellogg.


“It was a capability that was available, that was requested, and it was a fit.”


Ang attack helicopters ay makalilipad sa mababang altitude at mas mabagal kung ihambing sa mga fighter jets at bomber planes, kaya mas lalong vulnerable sa ground fire ng mga militante.


Ayon sa mga opisyal, ang gagamiting helicopters ay Apache na maaring makatagal sa mga target at makabomba ng mas malapit na may heavy firepower.


Sa ngayon ayon sa Amerika, nasa 1,768 airstrikes na ang naisagawa sa Iraq at Syria laban sa militanteng ISIS.


Nasa 195 umano rito ay ginawa ng mga fighter planes ng European at Arab countries na tumutulong sa air campaign ng Estados Unidos.


Kabilang sa tumutulong sa US airstrikes ay ang Bahrain, Jordan, Qatar, Saudi Arabia, United Arab Emirates, France, United Kingdom, Belgium, Denmark, Netherlands at Australia. MARJORIE DACORO


.. Continue: Remate.ph (source)



US gumamit ng attack helicopters vs ISIS


No comments:

Post a Comment