Tuesday, October 7, 2014

Ompong papasok ng PAR pero lalabas din agad

PAPASOK ng teritoryo ng Pilipinas mamayang gabi (Oktubre 7) ang papalapit na bagyong Ompong, pero lalabas din agad o hindi tatawid ng kalupaan, ayon sa ulat kaninang tanghali ng state weather agency PAGASA.


Sa kanilang weather advisory, huling namataan ang bagyo sa layong 1,556 km east-southeast ng extreme Northern Luzon.


“Vongfong (international name) is still too far to affect any part of the country. Once it enters the Philippine area of responsibility tonight and will be named ‘Ompong,’ it is not expected to make landfall or move closer to any of the coastal areas of the country,” pahayag pa ng PAGASA.


Sinabi pa ng PAGASA na ang bagyo ay may maximum sustained winds na 150 kph malapit sa gitna at pagbugso na aabot sa 185 kph.


Tinatayang kikilos ang bagyo pa kanluran-hilaga kanluran sa bilis na 24 kph. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



Ompong papasok ng PAR pero lalabas din agad


No comments:

Post a Comment