MULING bumaba ang approval ratings ng Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III at Vice-President Jejomar Binay sa pinakabagong Pulse Asia survey.
Batay ito sa September 2014 national survey sa performance at trust ratings ng top government officials, Kongreso at Supreme Court (SC).
Nakakuha ang Pangulong Aquino ng 55% na approval rating mula 56% noong Hulyo bagama’t tumaas ng isang puntos ang trust rating nito na ngayon ay 54% mula sa dating 53%.
Magugunitang noong Hulyo, bumagsak sa pinakamababa ang approval and trust ratings ng Pangulong Aquino na may 56% sa dating 70% matapos ideklara ng Korte Suprema na unconstitutional ang ilang probisyon mg Disbursement Accelerationg Program (DAP).
Samantala, nakakuha naman si VP Jejomar Binay ng 66% na approval rating mula sa dating 81% at trust rating na 64% mula sa dating 79%.
Nasa 1,200 respondent ang tinanong sa survey na may plus/minus 3% na margin of error.
Kabilang sa mga isyu habang isinagawa ang survey ang kontrobersyal na Makati City building alleged anomaly, ang Binay impeachment, ang pagbasura ng PNoy impeachment, ang panawagang mag-resign si PNP chief Alan Purisima at hirit ni Pangulong Aquino na emergency power sa Kongreso upang maresolba ang nakaambang power shortage sa 2015. MARJORIE DACORO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment