Wednesday, October 1, 2014

UPDATE: Bagyong ‘Neneng’ lumakas pa

ITINAAS na sa typhoon category ng weather forecaster ang bagyong Phanfone (international name) matapos muling lumakas habang kumikilos palapit sa bansa.


Huling nakita ng Japan Meteorological Agency (JMA) at Joint Typhoon Warning Center ang mata ng bagyo sa Pacific Ocean malapit sa Mariana Islands.


Ayon naman sa forecast track ng Metra Weather System ng News5, sa Biyernes posibleng pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong tatawaging Neneng.


Base sa update ng Metra, hindi ito magla-landfall sa anomang bahagi ng bansa at hindi na rin lalapit sa Taiwan at Batanes bago lumabas ng PAR sa Linggo.


Ayon naman sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), malakas man ang typhoon Phanfone pero sa ngayon ay wala pa itong epekto sa bansa.


Magkagayunman, sinabi ni Gladys Saludes, weather forecaster ng PAGASA, posibleng humatak ng hangin ang bagyo na dahilan para umulan sa malaking bahagi ng bansa.


Ang mga pag-ulan aniyang naranasan sa Metro Manila at mga katabing probinsya kagabi, Miyerkules, ay pawang isolated rain showers at thunderstorms, at hindi epekto ng habagat o ng papasok na bagyo.


Posible pang maulit ang mga nasabing pag-ulan sa hapon o gabi ng Huwebes dahil magiging maalinsangan pa rin ang panahon sa maghapon, ani Saludes.


Samantala, ayon sa extended forecast ng Metra, posibleng masundan agad ang typhoon Phanfone sa susunod na Linggo.


Posibleng pumasok ang lowpressure area (LPA) sa PAR sa susunod na Miyerkules, at kung sakali, tatawagin naman itong bagyong Ompong. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



UPDATE: Bagyong ‘Neneng’ lumakas pa


No comments:

Post a Comment