DAGUPAN CITY, PANGASINAN – Isang pinaghihinalaang drug dealer ang patay matapos makipagbarilan sa mga pulis sa lungsod, sa nasabing lalawigan.
Ang suspek na hindi na umabot nang buhay ay nakilalang Richard Callanta, alyas “Kulot”. Pinagbabaril siya ng mga pulis nang takasan niya ang checkpoint sa Bonuan Gueset, Dagupan City.
“Merong flag-down na suspicious na motorcycle, walang plate, walang helmet, may sakay na lalaki. Biglang tinawag sa atin, sa intel operatives, na timely nagka-conduct ng surveillance sa area,” ani Inspector Joel Cabaddu, ng Dagupan City police.
Na-corner ng mga pursuing police ang suspek sa Sitio Silungan, na pinaputukan ni Callanta dahilan para gumanti ng putok ang mga pulis na kanyang ikinasawi.
Nakuha sa suspek ang .9mm pistol at dalawang sachet na hinihinalang shabu. ALLAN BERGONIA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment