Monday, October 27, 2014

UP binulabog ng bomb threat

BINULABOG ng bomb threat ang U.P. College of Business Administration sa UP Diliman, Quezon City kaninang umaga, Oktubre 27, Lunes.


Ayon sa ulat ng Quezon City Police District, dakong 7:30 ng umaga nang makatanggap ng tawag ang U.P. College of Business Administration na meron bombang nakatanim sa gusali ng naturang kolehiyo.


Agad naman rumesponde ang Explosive and Ordinance Division (EOD) ng QCPD at sa kanilang ginawang paghahalughog sa naturang gusali ay nag-negatibo ito sa bomba.


Nagbalik naman sa normal ang klase at operasyon ng UP Business Administration makaraang walang matagpuang bomba ang naturang gusali.


Itinuloy na rin ang exam at review ng mga estudyante ng UP. SANTI CELARIO


.. Continue: Remate.ph (source)



UP binulabog ng bomb threat


No comments:

Post a Comment