Monday, October 27, 2014

Kolektor, utas sa riding-in-tandem

TIGBAK ang isang market collector matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Quezon City kagabi, Oktubre 26, Linggo.


Kinilala ang biktima na si Jeffrey Jacinto, 35, alyas “Jepoy”, ng No. O86 San Diego St., Bgy. Commonwealth, QC.


Si Jacinto ay nasawi noon din dahil sa walong tama ng bala ng kalibre .45 na baril.


Tumakas naman ang mga suspek sakay ng motorsiklo patungo sa Fairview, QC.


Sa ulat ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), naganap ang insidente sa kanto ng Niño St., at San Diego St. sa may paradahan ng tricycle sa tapat ng Commonwealth Market, Bgy. Commonwealth, QC dakong 7:30 ng kagabi.


Nabatid na kausap umano ng biktima ang tricycle driver sa lugar nang bigla na lamang sumulpot ang mga suspek at pinagbabaril ang biktima na ikinasawi nito.


Isinugod ng mga concerned citizen ang biktima sa East Avenue Medical Center (EAMC) subalit nasawi rin ito habang ginagamot. SANTI CELARIO


.. Continue: Remate.ph (source)



Kolektor, utas sa riding-in-tandem


No comments:

Post a Comment