Monday, October 27, 2014

Transport group, lumusob sa LTO at LTFRB

NILUSOB ng militanteng grupong Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) ang Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) bilang pagtutol sa implementasyoon ng Joint Administrative Order 1 (JAO) na nagtataas ng multa sa mga mahuhuling lumalabag sa batas-trapiko.


Bunga nito, nagdulot naman ng matinding traffic ang kilos-protesta ng transport group sa kahabaan ng East Avenue, QC.


Kasama ng Piston sa kilos-protesta ang mga pampublikong sasakyan ng mga driver at operator ng mga pampasaherong jeep, traysikel, UV Express Service at metered taxi.


Ayon kay PISTON president George San Mateo, hindi lamang sa Metro Manila ang kanilang protesta maging ang ilang transport groups sa Laguna, Albay, Iloilo, Bacolod, Cebu, Northern Mindanao, Surigao Del Norte, General Santos at Davao City.


Hiniling ng PISTON sa pamahalaang Aquino na agarang suspendihin at sa kalaunan ay ipawalang-bisa ang Joint Administrative Order (JAO) #2014-01 na ipatupad ng LTFRB-LTO-DOTC noong Hunyo 19, 2014 na nagpapataw ng labis-labis na multa at mabibigat na parusa sa mga driver at operator ng pampublikong transportasyon, gayundin sa mga pribadong motorista.


Binigyang-diin pa ni San Mateo na hindi makatarungan ang multa na ginawang criminal at gatasang baka umano ang mga driver, operator at motorista na peperwisyo din sa mga mananakay.


Sa ilalim din ng JAO, ang kolorum na bus ay magmumulta ng P1-milyon, P200,000 sa truck at AUV, P120,000 sa taxi at P60,000 naman sa jeep. SANTI CELARIO


.. Continue: Remate.ph (source)



Transport group, lumusob sa LTO at LTFRB


No comments:

Post a Comment