PATAY ang isang 32-anyos na lalaki nang pagbabarilin sa harap ng isang mall sa Tondo, Maynila kagabi.
Namatay habang ginagamot sa Tondo Medical Center (TMC) ang biktimang si Lito Barlongo, ng 490 Chick St., Isla San Juan, Tondo, Maynila.
Sa report ni P02 Dennis Turla, imbestigador ng Manila Police District-Homicide Section, alas-9 nang maganap ang insidente sa tapat ng SM Hypermart sa kahabaan ng Rd. 10, Tondo, Maynila.
Inaalam naman ang pagkakilanlan ng suspek na tumakas matapos ang insidente.
Ayon sa testigong si Rolando Bacaltos, napansin nitong tumatakbo ang biktima at sumisigaw ng saklolo kaya agad nitong tinulungan at isinugod sa nasabing pagamutan ngunit namatay din makalipas ang ilang oras. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment