Tuesday, October 7, 2014

TINITINGNAN, TINITITIGAN

PAGIGING palalo at mayabang ni Pangulong Benigno Aquino III ang dahilan kung bakit galit sa Pilipinas ang bansang Tsina.


Ang hindi kaagad nito paghingi ng paumanhin dahil sa pagkamatay ng walong Hong Kong nationals sa Luneta Siege may apat na taon na ang nakararaan ang isa sa mga naging mitsa ng galit ng China sa Pilipnas maliban pa sa agawan sa teritoryo.


Ipinagyabang ni Pangulong Noynoy ang koneksyon niya sa Estados Unidos kaya hindi ito nagpakita ng bahagya mang takot sa naganap na madugong insidente.


Sangkot ang isa sa loyalista ng kanyang inang si dating Pangulong Corazon Aquino na talaga namang nagpakita ng pagiging buo ang loob sa pangyayari kaya nga siya ang nagging ground commander bagaman dapat pulis ang nasusunod sa anomang dapat maging aksyon.


Nagkaroon ng desisyon ang National Police Commission sa naganap na Luneta Siege kung saan bilang parusa ay sinuspinde ng anim na buwan si Gen. Rodolfo Magtibay habang demotion naman ang ipinataw kina Supt. Orlando Yebra at Chief Insp. Santiago Pascual III.


Hindi man katanggap-tanggap ang desisyon ng Napolcom ay hindi na kumibo si Gen. Magtibay sapagkat kung tutuusin ang dapat na tinamaan ng parusa ay ang alkalde ng Maynila nang maganap ang hostage taking na si Mayor Alfredo Lim.


Sinuwerte kasi ang dating alkalde sapagkat nakamatayan ni dating Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo ang suspensyon na dapat ay ipinataw sana sa dating alkalde ng lungsod ng Maynila.


Laking tuwa na rin ng Palasyo na hindi naibaba ang parusa kay Lim sapagkat tiyak na mangungunsumi si Pangulong Noynoy sapagkat malaki ang paggalang niya kay Lim at ayaw niya itong mababahiran ng masamang reputasyon.


Lamang, masakit naman ang ginawa ng Malakanyang na pagbago sa desisyon ng Napolcom. Sa halip na anim na buwang suspensyon, ginawa ng Palasyong dismissal from the service ang parusa kay Gen. Magtibay. Napakawalang puso naman nitong si PNoy.

Ginagawa ni Magtibay ang kanyang tungkulin pero dahil alkalde si Lim kaya ito ang nasunod sa mga desisyon sa kasagsagan ng hostage taking sa Maynila.


Dapat dedma na lang si Pangulong Aquino sa ganitong mga kaso tulad ng ginagawa niyang pagwawalang-bahala sa mga reklamo laban kay Philippine National Police chief Dir. Gen. Alan Purisima.


Kung patuloy ang gagawing pakikialam ng Palasyo sa PNP at pagkiling sa mga paborito niyang opisyal, hindi na dapat ang mga opisyal ng PNP ang dapat hilingin na magbitiw sa puwesto kung hindi mismong si Pangulong Aquino.


PNOY, mahirap ang may tinitingnan at tinititigan. Ikaw rin, baka mismong ang pagkiling mo sa mga paborito mo ang maging daan upang mag-aklas ang mga tao laban sa iyo.


HAPPY BIRTHDAY TO VIDA BAUTISTA, assigned at Quezon City Mayor’s Office, who is celebrating today. I am so happy to have a friend like her who has an open mind and a loving heart.


I asked her about the gift she wants for her birthday. She answered, “Please donate blood to an officermate’s relative who is confined at the Quezon City General Hospital.


It will be the best gift this year. Masaya na akong makasagip tayo ng buhay ng kapwa.” That’s my friend Vida. PAKUROT/LEA BOTONES


.. Continue: Remate.ph (source)



TINITINGNAN, TINITITIGAN


No comments:

Post a Comment