Tuesday, October 7, 2014

ASTIG NA PULIS NG QCPD, ‘DI UUBRA SA AKIN – GEN. ALBANO

NOONG nakaraang araw ng Sabado, Oct. 4, ay nagkausap kami ni Quezon City Police District (QCPD) District Director Chief Supt. Richard A. Albano, nang gawin nito ang ceremonial shoot ng 2nd District Directors Cup sa Firing Range ng Kampo Karingal.


Marami kaming napag-usapan at isa na rito ‘yung astig daw na pulis ng QCPD na lumabas sa ating column kamakailan at nagkataon din na naroon sa nasabing shootfest ang taong pinasikatan ng pulis na si PO2 Rommel Dizon ng Traffic Management Unit (TMU) ng QCPD.


Tahimik lang itong si Gen. Albano habang nakikinig sa salaysay ng ayaw magpabanggit ng kanyang pangalang biktima ukol sa ginawa sa kanya ng astig na si PO2 Dizon.


Matapos ang ilang katanungan ay nangako ang Heneral sa nagreklamo sa kanya na kanya itong aaksyunan sa lalong madaling panahon, sabay sabing “hindi uubra sa akin ‘yang mga astig na pulis dito sa QCPD.”


Ang maganda rito kay Gen. Albano, kapag may nalaman o nabasa sa mga pahayagan na may inagrabyado ang kanyang pulis ay agad nitong inaaksyunan.


Kaya kayo po, mga reader, kung mayroon po kayong mga reklamo sa ating mga pulis sa QC ay magsumbong lang sa kanyang tanggapan at kung natatakot kayo na baka buweltahan kayo ng pulis ay sumulat kayao sa Lily’s Files at ako mismo ang magpaparating ng inyong reklamo kay Gen. Albano.


Speaking of the 2nd District Directors Cup nitong si Gen. Albano, naging matagumpay naman ito kahit na nga naurong ang petsa nito dahil sa bagyong Mario.


Maganda ang napuntahan ng kinita ng shootfest na ito dahil ipamimigay ang perang kinita roon sa mga taga-Payatas bilang panimula o puhunan para sa isang maliit na negosyo tulad ng paggawa ng mga stuff toy, basahan, sari-sari store at kung ano pang pagkakakitaan na hindi naman malaki ang puhunan.


May nagpadala po sa Lily’s Files ng isang mensahe at bato-bato sa langit ang tamaan ay huwag sanang mapipikon dahil hindi po ito nanggaling sa inyong lingkod.

Bibigyang daan lang po natin ang mensaheng ito.


Good morning po!


Ako po si Jim Dalmacio. Sa natatandaan ko ay ipinagbawal na ng Bangko Sentral ang pagdadala ng mga bangko ng mga pre-approved na credit card, pero ginagawa pa rin ‘yun ng mga gahamang bangko.


At ito pa po. Karamihan sa mga bangko ay may mahahabang mga pila, lalo na ang BDO, kaya nasasayang po ang oras namin sa paghihintay lang.


Ang huli ko pong napansin ay ‘yung pang-iinis na ginagawa ng mga credit collection agency na nagpapadala ng mga walang kwentang sulat at ‘di naman totoo ang inilalagay (halimbawa estafa).


Napadalhan ako minsan at muntik na akong atakihin sa puso.


Sana mag-send na lang sila ng email at huwag sulat. Kasi parang ibinabandera nila ang utang ng isang tao. ‘Yun lang po at maraming salamat. LILY’S FILES/LILY REYES


.. Continue: Remate.ph (source)



ASTIG NA PULIS NG QCPD, ‘DI UUBRA SA AKIN – GEN. ALBANO


No comments:

Post a Comment