Tuesday, October 7, 2014

AISHITE IMASU = MAHAL KITA AT MY HUSBAND’S LOVER

MEDYO umiwas tayo ng konti, mga Bro, sa mga nakabubuwisit nang politika sa mahal kong Pinas.


Nakabubuwisit dahil sa pagpipilit ng mga ganid at kawatan sa poder na magkaroon ng term extension at Charter change o Cha-Cha para manatili sila sa poder hanggang sa sila’y magkandamatay-matay o pagsisipain na mismo ng taumbayan sa darating na panahon.


Buhay na buhay yata ang espiritu ng people power laban sa mga ganid at kawatan sa gobyerno kahit na hindi gaanong nagsasalita ang nakararami sa taumbayan.


GAY MARRIAGE


Balik tayo sa ating punto dahil sa nagaganap sa ibang bansa, lalo na sa United States of America.


Alam ba ninyong 24 nang estado mula sa 52 estado ng USA ang nagpapahintulot ng pag-aasawa ng mga magkakapareho sa kasarian o sexual identity?


‘Yun bang === babae sa babae at lalaki sa lalaki?


At anomang araw mula ngayon, madaragdagan pa ito ng anim na estado.


Bale 22 estado na lang ang walang malinaw na batas dito.


Ito’y makaraang hindi maglabas ang US Supreme Court (USSC) ng desisyon ukol sa ilang kasong may kaugnayan sa pagbabawal ng pag-aasawa ng mga magkakapareho ang kasarian.


Tila nag-iisip pa ang USSC at nangangailangan pa ito ng sapat na panahon upang masabi nito sa huli na labag o hindi ang gay marriage sa kanilang Konstitusyon.


Pero pansamantala, nananaig ang paniniwalang “lahat ay magkakapantay-pantay” sa harapan ng batas.


Dahil dito, pila-pila na ang mga gay na gustong kumuha ng marriage license sa kanilang mga lungsod at bayan para sila’y makapagpakasal.


MGA PINOY SUMASALI NA RIN


Hindi naman lingid sa atin na may mga gay na Pinoy na pumupunta sa USA para lang magpakasal.


Ito’y dahil sa bawal na bawal nga ang pagpapakasal nila rito sa Pinas.


‘Yung iba nga, eh, pumupunta muna sa Thailand para magpaputol at magpabiyak bago sila magpakasal sa USA.


Transgender ang tawag sa mga ito.


Feeling “Be” sila bago sila “mag- I do.” ‘Di ba, Dennis Trillo at Tom Rodriguez?


Hehehe!


AISHITE IMASU


Dito natin naalaala ang pelikulang dinirihe ni Joel Lamangan at pinalabas sa Metro Manila Film Festival noong Disyembre 2004…ang Aishite Imasu o Mahal Kita.


Ipinakita rito kung paano umusbong ang pag-ibig sa pagitan ng dalawang lalaking dayuhan sa isa’t isa at sa gitna ng madugong digmaan gaya ng pangalawang digmaang pandaigdig na ikinadawit ng Pilipinas.


Walang nakapigil kina Dennis Trillo o Ignacio at Jay Manalo o Ichiru na umibig sa isa’t isa at nirespeto sila ng mga naggigiyerang mga Pinoy at Hapon.


Ang natatandaan natin, walang umangal noon laban sa pelikula kahit mula sa mga simbahan na panay ang putak noong nilalamutak ng mga mambabatas ang panukalang batas sa Reproductive Health at kahit noong gumagawa ng desisyon ang ating Supreme Court ukol sa RH law.


Parang natauhan ang marami sa usaping ito.


Kahit na lumitaw pa ang mga bayolenteng krimen, lalo na laban sa mga beki.


Ilang kaso nga ba ang naitalang pagpatay sa mga beki mula noon?


MY HUSBAND’S LOVER


Lalong walang umangal at sa halip ay lalong dumami ang tumanggap sa relasyong gay makaraang lumabas ang telenobelang My Husband’s Lover.


Anak ng tokwa, lumantad maging ang mga hindi mo akalaing beki.


Sabi nga ng propesor namin sa journalism na si Dr. Bayani Santos, may pitong milyon nang beki, bisexual, tomboy, transgender at iba pang kakaibang nilalang noon pang taong 2000.


Nangangahulugan na lalong dumami ang mga ito makaraan ang 14-taon mula noon.


Hindi na nga rin maitago maging ng ilang diakono, pastor, pari at obispo ang malalantik nilang mga daliri sa kahit sinong kaharap nila.


Ang malaking katanungan lang ay kung sasali sila o hindi sa mga kasalan sa mga bansang nagpapahintulot nito.


Hehehe.


NAG-AANTAY NG APO


May problema nga lang na malaki, lalo na sa mga lolo at lola na sa pagtanda ng kanilang mga anak ay hinahanapan ng mga apo.


May kilala nga tayong mag-asawa na hintay nang hintay ng magiging apo nila sa kanilang mga anak pero malapit na silang kunin ni Lord ay wala pa rin silang makitang apo.


Hindi alam ng mag-asawa na pawang mga beki ang kanilang mga supling na sa porma ay lalaking-lalaki naman.


Hindi rin nakagagawa ng lahi ang mga tomboy at iba pang katulad nilang gay o third sex.


Kung mayroon mang nagiging apo ay pawang mga disgrasya lang. At lumalabas din ang katotohanan sa huli.


PANUKALANG BATAS, DOA


Meron nang nasa apat na panukalang batas para sa gay marriage sa Pilipinas.


Pero panay dead-on-arrival ang mga panukalang ito sa Kamara at Senado, kabilang na ang panukala para sa “pagpapakasal ng mga nagpaputol at nagpabiyak” na mukha talagang babaeng-babae.


Hindi pa handa ang Pinas para sa ligal na relasyong ganito, sabi ng mga mambabatas, dahil conservative o makaluma pa ang paniniwala ng marami rito.


Ito’y kahit kaliwa’t kanan na ang mga naglaladlad na sila’y LGBT o lesbian, gay, bisexual at transgender o nagpaputol at nagpabiyak.


Ano kaya ang magiging epekto sa Pinas ng kalayaan sa pagpapakasal ng mga LGBT sa USA ngayon?


oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


.. Continue: Remate.ph (source)



AISHITE IMASU = MAHAL KITA AT MY HUSBAND’S LOVER


No comments:

Post a Comment