NAKATAKDANG ipatupad ng senado ang suspensyon kay Senador Bong Revilla, Jr. sa susunod na linggo kaugnay ng kinakaharap na plunder case sa Sandiganbayan.
Ayon kay Senate President Franklin Drilon, nakakasa na ang 90-day suspension order kay Revilla simula sa November 3, 2014 hanggang January 31, 2015.
Suspendido ang buwanang sahod ni Revilla maging ang pondo sa kanyang tanggapan, pero tuloy ang suweldo ng mga empleyado nito.
Maging ang political officer ni Revilla na si Atty. Richard Cambe na nahaharap din sa kasong plunder ay suspendido na ng 90-araw simula sa November 3. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment