Tuesday, October 28, 2014

Biyahe ng mga bus sa Undas, tiyaking ligtas –- LTFRB

TINIYAK ngayon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na walang kakulangan sa mga unit ng bus na bibiyahe ngayong araw hanggang sa pagtatapos ng Undas para matugunan ang pangangailangan ng mga mananakay na uuwi sa iba’t ibang probinsya sa bansa.


Ayon sa LTFRB, nagpalabas na sila ng 1,000 special bus permit para sa karagdagang biyahe ngayong araw hanggang sa Sabado.


Magsisimula na rin ngayong araw ang LTFRB na mag-inspection sa mga bus terminals para siguruhing ang lahat ng bus na bibiyahe ay may kaukulang permit at prangkisa.


Maliban dito, kailangan nasa magandang kondisyon ang mga bus, lalo na ang mga mabibigyan ng special permit para ligtas itong sakyan.


Simula ngayong araw, papayagan na rin ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang mga provincial bus na dumaan sa underpass ng Aurora Blvd., P. Tuazon at Shaw Blvd. sa EDSA para mapabilis ang biyahe.


Itinaas na rin ng Philippine Coast Guard (PCG) ang seguridad sa mga pantalan at inabisuhan ang mga pasahero na pumunta sa pantalan tatlong oras bago ang biyahe para hindi sila mahuli.


Mahigpit na ipinagbabawal ng coast guard ang pagdadala ng mga flammable at corrosive substances tulad ng kerosene, posporo, pintura, lighter at paint thinner para makaiwas sa disgrasya.


Sa ngayon, batay sa monitoring ng LTFRB ay fully-booked na ang halos lahat ng mga bus companies na bibiyahe simula ngayong araw hanggang sa weekend. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Biyahe ng mga bus sa Undas, tiyaking ligtas –- LTFRB


No comments:

Post a Comment