PATAY ang 16 minero habang 11 naman ang sugatan makaraang gumuho ang isang coal mine sa northwestern China.
Nabatid na ang mga biktima ay pawang nagtatrabaho sa minahan na matatagpuan sa Tiechanggou township sa labas ng Xinjiang regional capital ng Urumqi.
Sinasabing anim sa may 33 minero na nasa loob ng minahan nang maganap ang pagguho ang nailigtas ng mga rescuers.
Ang China ang may pinadelikadong minahan sa buong mundo.
Ayon sa China National Coal Administration, aabot na sa 1,067 katao ang namatay sa 604 coal mining accidents mula noong nakaraang taon. MARJORIE DACORO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment