KINATIGAN ng Malacañang ang panukalang iparehistro ang lahat ng sim cards sa bansa.
Una rito, may plano na ang National Telecommunications Commission (NTC) para sa nasabing isyu.
Sinabi ni Communications Secretary Sonny Coloma na suportado nila ang plano ng NTC na magkaroon ng batas para sa mandatory registration ng SIM card.
Kasunod naman nito ang muling pagbuhay sa panukala sa pagdinig ng Senado kaugnay sa modernization bill para sa Philippine National Police (PNP).
Ayon pa kay Teresita Ang-See, Filipino-Chinese anti-kidnapping crusader, nagagamit umano sa kidnap-for-ransom at iba pang krimen ang mga prepaid SIM cards sa bansa.
Gayunman, tutol naman ang ilan sa naturang panukala dahil sa privacy issue. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment