MARIING binabulaanan ni C/Supt. Alexander Ignacio, na personal nitong kilala ang modelong si Alyzza Agustin na gumamit ng kanyang calling card para malusutan ang kinasasangkutang traffic violations.
Nilinaw din ni Ignacio na siya ay one-star general at hindi two-star general na nakapaloob sa calling card na kumakalat sa social networking sites at hindi umano nito executive assistant si Agustin.
Aminado si Ignacio na nagbibigay siya ng kanyang card sa kondisyon na hindi ito gagamitin sa anomang paglabag ng batas.
Tiniyak ng heneral na hindi nito kukunsintihin ang mga taong gumagamit ng kanyang card at ang pribilehiyo ng kanyang ranggo para malusutan ang anomang paglabag sa batas. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment