TAGUDIN, ILOCOS SUR – Umaabot sa P7-million halaga ng shabu ang nakulimbat ng local pulis matapos ang isinagawang raid sa warehouse ng pinaghihinalaang dalawang “drug lords” sa Tagudin, sa nasabing lalawigan.
Sa ulat ng Tagudin pulis, nakilala ang mga suspek na sina Gerano Talino at Antonio Ugay, kapwa ng Bgy. Bekkes, ng nasabing bayan.
Si Talino at Ugay umano ang nag o-operate ng warehouse na umano’y supplier din sa Ilocos at Cordillera.
“Makikita natin na parang malaki ang kanilang grupo,” ani Ilocos Sur Gov. Ryan Singson.
Samantala, pinabulaanan ng mga suspek na sa kanila ang nahuling shabu at warehouse.
Sinabi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 1 na ang dalawang suspek ay under surveillance ng mahigit tatlong buwan. ALLAN BERGONIA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment