Thursday, October 2, 2014

SHOE CARAVAN SA VALENZUELA, NAVOTAS, MALABON, KALOOKAN

MAGANDANG balita para sa mga taga-Metro Manila! Panahon na naman ng pagsapit ng Sapatos Festival sa Marikina. At ang pinakaaabangan ninyong Shoe Caravan ay lumilibot na sa Kalakhang Maynila.


Sa kasalukuyan, nasa Valenzuela City ang aming Shoe Caravan mula Oktubre 1 hanggang Okt. 3. So tuwang-tuwa ang mga taga-Valenzuela, lalong-lalo na ang kanilang Public Information Officer na si Ahna Mejia, dahil maaga ang Pasko sa kanilang siyudad sa laki ng diskwento sa mga sapatos ng Shoe Caravan.


Hindi na ninyo kailangan pang hintayin ang araw ng Pasko para makabili ng matibay at magandang sapatos mula sa Marikina sa napakamurang halaga!


Huwag naman masyadong ma-excite at mainip ang mga taga-Navotas at Malabon dahil kayo naman ang susunod na bibisitahin ng Shoe Caravan.


Darating diyan sina Mayor Del De Guzman, Vice Mayor Fabian Cadiz, Kon. Mario De Leon, at ang Chairman ng Sapatos Festival na si Rene Santillan sa Navotas City Hall sa susunod na linggo, Okt. 8-10. Kaya tuloy, pati si Jayne Banayad na PIO ng Navotas ay inihahanda na ang kanyang pambili ng paborito niyang sapatos.


Sa Malabon City Hall naman ay sa Okt. 13-15 nakasked ang pagpunta ng Shoe Caravan kaya siguradong ubos ang sweldo ng mga taga-Malabon dahil pay day ‘yan! Sabi nga ni Malabon PIO Bong Padua, pinaaalalahanan na nila ngayon pa lang ang kanilang mga residente na magtira naman sa suweldo nila para sa pamalengke, pamasahe at pang-eskwelahan ng mga bata. Tutal naman daw ay mura ang mga sapatos na gawang Marikina kaya tiyak na marami pang matitira.


Ito namang dating PIO ng Caloocan na ngayon ay hepe ng Cultural Affairs na si Gigi David ay ‘di rin pahuhuli pagdating ng Shoe Caravan sa Caloocan City Hall sa Okt.16-17! Naitabi na raw niya ang pambili niya ng sapatos. Marami kasing anak itong sina Jun at Gigi kaya’t malaking bagay ang savings na dulot ng Shoe Caravan.


Ito po ang mga sapaterong lumahok ngayong taon: Alligator Shoe Shop, Antonio Miguel, Apollo’s Shoe Gallery, Archson Shoes, Azulis Bag Collection, Bob-Mar’s Shoes, Carl Mitchell Shoe Shop, Checkpoint, CPoint Shoe Store, D & T Footwear, Dream Steps Shoes, Erika Shoes, Fontelle Shoes, Gibson’s Shoe Factory, Inches, JAC Footwear, Jie-jays Trading, Joyven Shoes, Juaquina Shoes, Likhang Pinoy by Paper Shoes, Majiks Shoes & Bags, Manor Shoes and Bags, Matilda, Nico Angelo Leather Classic, Merel Shoes, Medz Shoes, Pafaye Shoes, Pearl J Shoe Manufacturing, Princess Ilona Shoes & Bags, Mardini Shoes, Rama Kim Footwear, Rosem Shoes Manufacturing, Roweliza Shoes, Socktoe Footwear, Spartacus, Streetwalk Footwear, Swatch Seasider, Valentino Shoes, Inc., Vestrada Fashion Bag at Xykie Footwear. ABISO/PAUL EDWARD SISON


.. Continue: Remate.ph (source)



SHOE CARAVAN SA VALENZUELA, NAVOTAS, MALABON, KALOOKAN


No comments:

Post a Comment