IPINAGKANULO ang isang senador ng kanyang emosyon kaya nabisto kung ano ang tunay na dahilan ng imbestigasyon ng Senado kaugnay sa pangungurakot umano ng pamilyang Binay.
Lilinawin lang natin, parekoy, na ako man ay kumbinsido na talagang sangkot sa pangungurakot ang pandak na ulikba!
Na ang paliwanag ni Nognog na sa babuyan nanggaling ang karamihan sa kanilang kayamanan ay isang malaking pambababoy sa talento ng sambayanang Filipino!
Balikan natin ang pahayag ng senador noong tinanong kaugnay sa “bumagsak” na rating ni Vice Pres. Jojo Binay sa panahong iniimbestigahan ng Senado ang pamilyang Binay.
“Bababa pa ‘yan, lalo na kapag kumalat na nang husto ang balita.”
Tangna naman, sir, eh, ‘di para mo na ring inamin na ang inyong tunay na dahilan sa imbestigasyon ay para bumaba ang “rating” ni Jojo Binay?
In-short, ang tunay pala na dahilan ninyo ay upang wasakin ang political career ni Binay?
Hmmm, hindi pala talaga “in aid of legislation” kundi “in aid of demolition” ang isinasagawa ninyong imbestigasyon!
Para kung mawasak na si Binay ay maisusulong na ang inyong sariling interes?
King-ina! Kung talagang magnanakaw ang lintek na Binay na ‘yan, eh, dapat kasuhan na!
Hindi ‘yung gagamitin lang ninyo ang isyu para isulong din ang sarili ninyong political interest! Pwe!
Pare-pareho naman kayong magnanakaw riyan! Bwisit! Hmp!
-o0o-
Sa isyu, parekoy, ng pagreretiro umano ng kulimbat-yaman, este, ingat-yaman ng lalawigan ng Bulacan na si Belinda Bartolome, marami ang naniwalang hindi na nito kayang sikmurain ang nakawan sa Bulacan.
Maliwanag kasi, parekoy, na tsinaptsap ng mga hijo de-putang magnanakaw ang halaga ng bawat transaksyon.
At para patunayan ang pangungulimbat umano ni Gov. Willy Alvarado, ipinadala sa atin ng ilang taga-Bulacan ang kopya ng napakaraming tseke na may total na P8,956,966.75.
Ang tsinaptsap na mga tseke na ibinayad sa MSIA General Merchandise ay “to record payment of various materials” at “to record payment for furnishing various materials.”
King-ina naman, Gov. Alvarado, dahil magkakasunod ang numero ng mga tsekeng ‘yan, at dahil iisang kumpanya ang binayaran, eh, ‘di ibig-sabihin ay talagang mahigit walong milyong piso ang “intended” para sa materyales na ‘yan!
At sinadya ninyong tsinaptsap ang halaga para lang makaiwas sa bidding dahil ginawa ninyong less than half a million ang bawat transaksyon!
Hayop kayo, ninanakaw na ang pera, eh, ginagago pa ninyo ang mga taga-Bulacan!
Pwe kayo! (ABANGAN) BURDADO/JUN BRIONES
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment