MASAKIT ang pakahulugan ng salitang ‘epal’. Galing sa salitang mapapel o pumapapel, kadalasan na patungkol sa politiko na gusto lang daw magpasikat.
Kaya nakao-offend na sabihan tayo ng ilang kakilala natin sa media na “nagpapakilala” lang at kaya tayo nagsa-suggest ng mga panukala para sa posibleng pag-solve ng traffic sa Metro Manila ay dahil “gusto lang nating makilala.”
Pero public servant po tayo at natural na mag-isip ng paraan para makapagbigay-solusyon sa mga problema ng komunidad, tulad nga ng problema sa trapiko.
Kung ang mga taong may idea ay hindi magsasalita dahil baka mapagbintangan na epal ay paano tayo makakukuha ng mga opinyon na maaaring pagmulan ng solusyon?
Ang suggestion naman natin sa exclusive use ng EDSA mula 6 – 9 ng umaga ay galing din sa suggestions ng mga mananakay at motorista.
Sa kabilang banda, marami rin ang nagpahayag ng pagkilala sa efforts natin.
May mga grupo tulad ng National Center for Commuter Safety ang Protection ang naghatid ng suporta at pasasalamat sa efforts natin na makatulong bilang isang individual tax payer at hindi bilang empleyado ng gobyerno.
May mga commentator din tulad nila Ted Failon at Korina Sanchez na nagsabi na bakit hindi subukan.
Lahat ng paraan ay dapat subukan para malaman kung ano ang pwede at maaaring magkapagbigay-solusyon.
At hindi po naman “pagbabawal sa EDSA” ng mga private vehicles ang ating panukala.
Ang sinasabi natin ay bigyan ng priority sa EDSA ang mga public transportation mula 6 – 9 AM lang.
Pwede pa rin ang private vehicles base naman sa special coding system na para sa 6 to 9 scheme.
Hindi banned sa EDSA ang private vehicles sa loob ng tatlong oras na ito.
Gusto lang natin na sa ibang ruta dumaan ang ibang sasakyan samantalang masikip ang traffic sa EDSA na ginagawa naman ng mga private motorist para nga makaiwas sa traffic.
Sana ay huwag ma-discourage ang mamamayan sa pagbibigay ng opinyon kung pagbibintang na epal lang ang tawag sa sinomang maglakas-loob na magsalita.
***
Mag-email sa ariel.inton@gmail.com or text sa 09178295982 o 09235388984. SIBOL/ATTY. ARIEL ENRILE-INTON
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment