NARARAMDAMAN na umano ang halos lahat ng senyales sa bulkang Mayon para sa isang napipintong pagsabog.
Ito ang inihayag ni Phivolcs resident volcanologist Ed Laguerta, kasunod ng 20-araw na pag-aalburoto at paminsan-minsang pagkalma ng bulkan.
Bagama’t bumaba ang naitatalang volcanic earthquakes, hindi naman ito dapat ipagdiwang dahil senyales pa nga ito na nababarahan ang magma dahil sa patuloy na pagtindi ng pressure sa loob nito.
Patuloy naman ang pamamaga ng bulkan dahil sa naipong magma na maaaring ilabas sa pamamagitan ng pagsabog.
Kaugnay nito, regular na ang ginagawang obserbasyon kung may pagbitak at paggalaw ng lupa sa paligid nito dahil iyon na lamang ang hinihintay para itaas ang alerto sa ikaapat na level.
Sinabi naman ni Albay Gov. Joey Salceda na alam na ng kanilang mga tauhan kung aling mga residente ang ililikas sa oras na ideklara ang pinakamataas na alerto.
Kabilang sa mga ililikas ay mga residente ng bayan ng Guinobatan, Ligao City, Tabaco City, Daraga at Sto. Domingo.
Planong ideklarang ‘no man’s island’ ang six-kilometer danger zone sa paligid ng bulkang Mayon.
Ayon kay Salceda, layon nitong bigyan ng permanenteng relokasyon ang mga residente sa paligid ng Mayon upang maiwasan na ang palagiang paglilikas sa mga ito.
Kakailanganin ng halos P3.6-bilyong para sa mandatory repatriation ng halos 3,000 pamilyang sa lugar
Habang pinag-aaralan naman kung kailan na ring ilipat ang mga residente sa loob ng seven at eight kilometer extended danger zone. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment