PUMANAW na si Atty. Gerry Barican, ang dating presidential spokesperson noong panahon ni dating pangulong Joseph Estrada.
Ayon sa abogado ni Barican na si Atty. Trixie Cruz-Angeles, ganap na 9:15 kagabi nang binawian ng buhay ang dating opisyal habang nasa Makati Medical Center.
Nabatid na si Barican ay kilalang aktibista na nanguna sa mga protesta na naging ugat ng pagkakakulong nito noong rehimeng Marcos.
Sinasabing ilang buwan nang nakaratay ang dating kalihim matapos ma-comatose noong mga nakaraang buwan. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment