SA kulungan ang bagsak ng isang mag-asawa nang ibugaw ni mister ang kanyang misis sa isang dayuhan sa Maynila.
Ayon kay NBI Anti-Human Trafficking division special investigator David Golla, nakatanggap sila ng tip ukol sa aktibidad ng mag-asawa kaya agad silang kumilos para alamin ang impormasyon.
Sa ginawang pagmamasid, nagulat sila sa estilo ng mga ito na makikipagtalik ang 36-anyos na babae sa kliyenteng dayuhan saka kukunan ng sex video at ibebenta.
Nabatid na call center agent ang babae habang wala namang deklaradong trabaho ang lalaki.
May tatlong anak ang mag-asawa kaya minabuti ng NBI na huwag na lamang ilabas ang kanilang pagkakakilanlan.
Nakumpiska naman ng NBI sa mag-asawa ang P15,000 na paunang bayad, isang digicam, isang tripod at cellphone na ginagamit sa naturang gawain. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment