Wednesday, October 8, 2014

Senior citizen sa Caloocan, may regalo sa kaarawan

MAKATATANGGAP na ng regalo mula sa lokal na pamahalaan ng Caloocan City ang mga senior citizen sa kanilang kaarawan.


Binigyang-diin ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan na napapanahon nang kilalanin ang mga magandang nagawa ng mga senior citizen sa kanilang mga pamilya at lungsod at nararapat lang na mabigyan kahit maliit na regalo sa kanilang kaarawan.


Ang regalo sa mga nakatatanda ng Caloocan City ay isang malapad na tray na puno ng groceries gaya ng spaghetti, mga de-lata, cheese, mga pang-sarsa at iba pa, kasama na ang birthday card na may lagda ni mayor.


“Ang ating Social Welfare Department, sa pakikipagtulungan ng Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA), ay nag-iimbak na ngayon ng may 7,418 na mga pang-regalo. Sakop na nito ang mga may birthday ng October 2014 hanggang January 2015”, ayon kay mayor.


Ihahatid ang mga regalo sa mismong bahay ng nagseselebra kung saan lumalabas na aabot sa 400 hanggang 500 ang magdadaos ng kaarawan bawat linggo na nakatala sa OSCA.


Tiniyak ni Malapitan sa mga senior citizen na lahat sila ay kasali sa lahat ng programa ng pamahalaan ng lungsod, gaya ng mga diskwento sa groceries at gamut, at ang libreng tiket sa mga sinehan, sa nalalapit na pagbubukas ng SM City-Sangandaan. RENE MANAHAN


.. Continue: Remate.ph (source)



Senior citizen sa Caloocan, may regalo sa kaarawan


No comments:

Post a Comment