Wednesday, October 8, 2014

“Estribo gang” namamayagpag sa Maynila

DAHIL papalapit na naman ang Kapaskuhan, kaliwa’t kanan na naman ang mga kawatan kung saan isang miyembro ng “estribo gang” ang namaril ng isang 22-anyos na lalaki nang makipag-agawan sa kanyang cellphone sa Tondo, Maynila.


Ginagamot ngayon sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC), dahil sa tinamong tama ng bala sa katawan ang biktimang si Aiseen Burgos, ng Purok 11 Bangbang, Bulacan, Bulacan.


Inilarawan naman ang suspek na nasa edad 25, katamtaman ang pangangatawan, naka-baseball cup, t-shirt, maong pants at armado ng baril.


Ayon kay PO3 Boy Ortega, ng Manila Police District-Police Station 7, ala-1 ng madaling-araw nang sumampa sa isang pampasaherong jeep habang nakahinto sa stop light na nasa panulukan ng Juan Luna at Tayuman Sts., Tondo, Maynila ang suspek.


Tinutukan ng baril at inagaw ang cellphone ng biktima na nagkakahalaga ng P7,000.


Nanlaban umano ang biktima kaya binaril siya ng suspek at naagaw ang cellphone bago tumakas.


Mabilis namang isinugod ang biktima sa JRMMC ng driver ng jeep na si Alvin Llego, ng 811 Gabriela St., Tondo, Maynila.


Patuloy naman iniimbestigahan ng pulisya ang naturang insidente. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


.. Continue: Remate.ph (source)



“Estribo gang” namamayagpag sa Maynila


No comments:

Post a Comment