Tuesday, October 7, 2014

San Beda College, binulabog ng bomb threat

BINULABOG ng bomb threat ang campus ng San Beda College dahilan para suspendihin ang panghapon na klase.


Una na ring pinalabas ng unibersidad ang lahat ng estudyante at faculty sa loob.


Nabatid na pasado alas-12 ng tanghali nang makatanggap ng text ang isang empleyado ng unibersidad na may sasabog na bomba sa loob ng campus sa may Mendiola, Sampaloc, Maynila.


Dahil dito, agad itinigil ang klase at opisina sa unibersidad.


Sinabi rin ng San Beda Law Student Government sa kanilang twitter account na “no class and work for the rest of the day”.


Kaagad naman na nagresponde ang mga tauhan ng Manila Police District- Explosive and Ordinance Division (MPD-EOD) dala ang mga K-9 dogs para inspeksyunin ang paligid ng Unibersidad.


Sa pag-iinspeksyon ng mga awtoridad, nag-negatibo naman sa bomba ang paligid ng unibersidad. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


.. Continue: Remate.ph (source)



San Beda College, binulabog ng bomb threat


No comments:

Post a Comment