PATAY ang kagawad na dating barangay chairman at driver nito matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga suspek habang bumababa sa sasakyan sa tapat ng barangay hall upang umattend ng session sa Caloocan City, Martes ng umaga, Oktubre 7.
Kapwa namatay habang ginagamot sa Caloocan Medical Center (CMC) sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Conrado Cruz, 68, kagawad ng Bgy. 12 ng lungsod at driver nitong si Jonathan Gonzales, 49, ng Libis Talisay ng lungsod.
Sa imbestigasyon ni SPO3 Joel Montebon, alas-9 ng umaga, kababa lang ng sasakyan ng mga biktima at papasok na ng Barangay Hall 12 upang umattend ng session nang pagbabarilin ng mga suspek.
Matapos ang pamamaril ay tumakas ang mga suspek na aabot sa pitong katao habang dinala naman ang mga biktima sa CMC.
Lumalabas na dating kapanalig ng mga Echiverri si Cruz noong chairman pa ito at nang makatapos ng term ay tumakbo at nanalong kagawad na naging kapanalig naman ng mga Malapitan.
Inaalam na kung may kaugnayan sa politika ang nasabing pananambang. RENE MANAHAN
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment