Friday, October 3, 2014

Puno sinuwag ng kotse, 3 lagas, 4 sugatan

TATLONG katao ang nalagas nang suwagin ng kanilang sinasakyang kotse ang isang puno sa Batangas town nitong nakaraang Huwebes ng madaling-araw, Oktubre 2.


Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktimang sina Bernardo delos Santos, call center agent, Arjay delos Santos at Carla Pamplona, factory worker, pawang mga residente ng Bgy. Real, Calamba, Laguna.


Nakaratay naman sa pagamutan bunga ng tinamong sugat sina Joebelle, 13, Hazel delos Santos, 24, at drayber ng Toyota Corolla (UPC-214) na si Roy Villalobos 33.


Hindi naman nabanggit sa ulat kung magkakapatid ang mga biktimang namatay at nasugatan na may apelyidong Delos Santos.


Sa ulat, naganap ang insidente dakong 1:30 nitong Huwebes ng madaling-araw sa national highway sa Sitio Balite, Bgy. Banilad, Nasugbu, Batangas.


Bago ito, binabaybay ng kotseng minamaneho ni Villalobos ang national highway sa Bgy. Banilad nang makatulog ito at sumalpok ang kanyang sasakyan sa puno ng mangga.


Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon sa mismong windshield ng sasakyan ang tatlong pasaherong nakaupo sa backseat. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



Puno sinuwag ng kotse, 3 lagas, 4 sugatan


No comments:

Post a Comment