KINASUHAN kahapon, Oktubre 3, ang limang opisyal ng Philippine National Police (PNP) Health Service sa Quezon City Prosecutor’s Office dahil sa umano’y pagdaya sa expiry date ng mga gamot na binili ng PNP sa isang pharmaceutical company.
Kinilala ang mga sinampahan ng kaso na sina Superintendents Jesus Sibayan Ostrea III, Neil Mark Manzala, chief Inspectors Leo Mendoza, Marites Penaverde at Duds Raymond Santos dahil sa paglabag sa paragraph 4, Article 4, Article 171 ng Revised Penal Code (Making Untruthful Statements in a Narration of Facts).
Sa complaint affidavit na isinampa ni Chief Inspector Jojie Tabios ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), ipinagharap ng reklamo ang mga naturang opisyal.
Kabilang sa kinasuhan ang yumaong Superintendent Dennis Ritualo matapos isama sa reklamo.
Ayon sa record ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ay nagbigay ng grant na nagkakahalaga ng P24,647,317.26 sa PNP para sa kanilang pangangailangang gamot.
Nitong nakalipas na Oktubre 31, 2013 matapos ang bidding, ang Notice of Award ay ibinigay sa Pharma Health Care Specialists, Inc. (PHSI) ang nanalong bidder para sa pagbibigay at pagdedeliber ng suplay na bulto ng gamot at medical supplies at contract price na nagkakahalaga ng P23,741,639.68.
Base sa evaluation report nitong nakalipas na Pebrero 11, 2014 na isinumite ng mga respondents, sinertipika umano ng mga ito na ang isang bulto ng mga gamot at medical supplies na aabot ng 265 line items na idineliber ng PHSI.
Nitong nakalipas na Abril 14, 2014, ang CIDG sa pangunguna ni Tabios at Ostrea ay nagsagawa ng inspection sa mga naturang gamot.
At kanilang nadiskubre sa isinagawang inspection na may discrepancy sa expiration dates ng apat na klase ng ideniliber na gamot.
Sa report na isinumite ng mga respondent, nakalagay na ang mga naturang gamot ay may expiration dates na December 2015, August 2016, August 2015 at May 2015.
Subalit sa aktwal na inspection ang orihinal na expiration dates ng mga naturang gamot ay sa December 2014, Oktubre 2014, August 2014 at Hulyo 2014.
Dahilan para sampahan ng kaso ang mga naturang PNP official. SANTI CELARIO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment