TINUTUTUKAN ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI) ang galaw ng presyo ng mga bilihin sa lalawigan ng Albay.
Ito’y kasunod ng pagpapatupad ng price freeze kasunod ng paglalagay sa state of calamity ng ilang bayan sa lalawigan bunsod ng pag-aalburuto ng bulkang Mayon.
Dahil dito, pinagbabawalan ang mga negosyante na taasan ang presyo ng mga pangunahing bilihin tulad ng karne, isda, gulay, gatas, mga pagkaing de lata, instant noodles, mga basic tulad ng toyo, suka, patis at maging ng sabon.
Kaugnay nito, sinabi ng DTI na maglilibot-libot ang kanilang mga tauhan maging sa mga evacuation centers upang tingnan kung sumusunod ang mga sari-sari stores sa ipinatutupad na price freeze. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment