PO3 Jonathan D. Latorre?
Sino ba itong pulis Pasay na ito, NCRPO chief, Gen. Carmelo Valmoria, Southern Police District chief, Gen. Jose Erwin Villacorte at Pasay City Police chief, Col. Melchor Reyes na sangkatutak daw ang video-karera na inilalatag sa Lungsod ng Pasay, lalo na riyan sa nasasakupan ng Police Community Precinct 2?
Hindi raw matinag-tinag ang pulis na ito sa kanyang kalokohan mga chief. E, kasi ba naman, ipinagmamalaki niyang siya ang nagpapakain sa mga pulis ng inyong headquarters sa pamamagitan ng lingguhan niyang payola. Ito raw ang dahilan kaya hindi hinuhuli ang kanyang mga pesteng VK.
Saan kaya pwedeng ireklamo ang pulis na ito kung malakas na pala siya kina Valmoria, Villacorte at Reyes?
Kaya pala lumalala ang krimen sa Pasay ay dahil maraming kabataan na nabuwang na sa makina ni PO3 D. Latorre. Kung gustong hulihin itong si D. Latorre, madaling-madali dahil nasa presinto lang siya ng Pasay City Police. Pero ito ay dependa kung malakas ang loob ni Col. Reyes. Hindi ba, sir?
***
Ang sabi, idol daw ni PO3 D. Latorre si Chief PNP, Director General Alan Purisima.
Gusto rin daw niya magkaroon ng magarang mansion at maraming sasakyan.
Pero syempre, hindi niya makakamit ang pangarap kung aasa lang sa suweldo ng isang police patrolman. Kaya nga naisipan niya na magpinansiya na lang ng mga video-karera. Sa sugal na ito, mabilis siyang yayaman.
Gaya ng maraming pulis na financier at protektor ng pasugalan, itong si PO3 Jonathan D. Latorre, mga butihing boss sa PNP, ay unti-unti na nga raw umaasenso.
E, isipin n’yo na lang, mga boss, si D. Latorre bagama’t patrolman lang ang ranggo, e, sinasaluduhan pa raw ng mas matataas sa kanya.
E, kasi, paldo ang loko. Maraming datung mula sa kanyang mga demonyong makina na nagkalat sa Pasay.
Ibang klase naman pala itong “rakpa” na ito. DILG Sec. Mar Roxas, sir, pakiuna nga po itong pulis Pasay na ito sa inyong gagawing lifestyle check sa mga miyembro ng PNP na mayroong hindi maipaliwanag na kayamanan.
***
Yamang nabanggit din lang naman natin si Gen. Purisima, aba’y talagang pangangatawanan na niya ang pagkamakapal ng kanyang mukha. Talagang hindi na magbibitiw ang mama sa puwesto kahit pa nakukulapulan na siya ng kontrobersya at nadadala sa kumunoy ng kahihiyan ang buong institusyon ng PNP.
E, kasi naman, mga tsong, ito rin kasing si Pangulong Aquino ang may sala.
Kinukunsinti niya si Purisima porke bata-bata niya ito.
Ang kapal pa ng mukhang sabihin na patuloy siyang magseserbisyo sa PNP at sa bayan.
Neknek mo! Paano kami maniniwalang serbisyo nga ang ginagawa n’yo e, patuloy sa pagtaba ang bulsa at bank account n’yo. Sanamabits! KANTO’T SULOK/NATS TABOY
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment