Wednesday, October 1, 2014

COL. ARCINAS AT CHIEF ‘LARRY’

TILA malaking bagay ang pagkakaupo ni si Senior Supt. Ariel Arcinas bilang hepe ng Caloocan City police at, tiyak, bilang bagong ka-partner ni Mayor Oca Malapitan laban sa kampanya ng huli lalo na sa kriminalidad at droga sa lungsod.


Eh, bakit kamo? Kailan lang kung may 10 na suspected drug trafficker ang nasakote ng mga tauhan nito na nagsagawa ng sunud-sunod na operasyon sa mga targeted area kung saan may 60 kilo na marijuana at shabu ang nakumpiska ng lokal na pulisya.


Tama lang na mag-concentrate si Col. Arcinas sa ipinagbabawal na gamot dahil dito rin nagngingitngit itong si Mayor Oca, lalo na sa letseng drug pushers na walang pakialam kahit nasisira na ang kinabukasan ng mga kabataan basta titiba sila sa droga. Mga hinayupak talaga!


Lalo’t may todong suporta mula kay Mayor Oca at kay Northern Police District director, Chief Supt. Edgar Layon, sigurado mas lalong magiging agresibo itong si Col. Arcinas, sampu ng kanyang mga tauhan at opisyal tulad nina Supt. Ferdie del Rosario, ang assistant police chief for administration, at si Chief Insp. Ilustre Mendoza ng station investigation and detective management bureau at follow-up unit, sa kampanya upang tuluyan nang madurog ang mga hinayupak na drug pusher na ito.


Pero tila hindi pa kuntento itong si Col. Arcinas. Gusto niyang nagtatrabaho at hindi natutulog lang sa pansitan ang kanyang mga tauhan kaya isinailalim niya ang lahat sa kanyang tinatawag na performance evaluation dahil ‘pag nakita n’ya na may palpak pa sa mga ito, hindi siya mangingimi na tsugiin sila sa kanilang puwesto at palitan ng mas agresibo at dedikadong kagawad.


Tama lang siguro ang sistemang pinaiiral ni Col Arcinas. Kasi sa totoo lang, matagal na sila sa kanilang puwesto kaya tuloy hindi na sila epektibo dahil pamilyar na sila sa kalagayan sa kanilang nasasakupan, at lalo pati ang mga tao sa kanilang paligid.


Subalit, ayon pa sa kanya, kung epektibo naman at talagang may ibubuga ang mga ito, mas todong suporta ang ibibigay niya sa kanila para mas lalong mapalakas ang kampanya laban sa kriminalidad at iligal na droga, not bad!


Eto pa ang isang bibiliban natin na opisyal ng Caloocan: si kaibigang Larry Castro, ang hepe ng public safety and traffic management ng City Hall.


Hindi nagkamali itong si Mayor Oca sa pagpwesto rito kay ‘Chief’ Larry at mas lalong panalo ang mga taga-lungsod dahil sa sobrang sipag at dedikasyon nito sa kanyang trabaho.


Kung magkaka-partner sila ni Col. Arcinas, na siya namang nangyayari, aba’y panalo ang lungsod dahil masisiguro natin ang kapayapaan at kaayusan sa siyudad.


Sino ba naman ang ‘di matutuwa rito kay ‘Chief’ Larry? Aba’y hindi na ata ito nagpapahinga. Pag may bagyo, kung anomang sakuna, lalo kung may sunog, tiyak makikita mo siya, panalo, ayos ‘di ba?


Saludo kami sa inyo, Col. Arcinas at ‘Chief’ Larry, sana dumami pa ang lahi ninyo! GOOD RIDDANCE/ARLIE CALALO


.. Continue: Remate.ph (source)



COL. ARCINAS AT CHIEF ‘LARRY’


No comments:

Post a Comment