ANG kaguluhan sa Hong Kong ay maaaring umpisa lamang ng maraming naudlot na hangarin ng mga mamamayan ng Tsino na maging malaya sa pagpili ng kanilang nais na mamuno ng kanilang bansa.
Last week ay lumala ang sitwasyon sa Hong Kong nang libo-libong residente ang magprotesta sa pagtanggi ng China na bayaan ang mga naninirahan sa islang ito na makaboto at maghalal ng sarili nilang mga pinuno.
Demokrasya ang sigaw ng mga taga-HK na pinamumunuan ng isang grupo na kung tawagin ay “Occupy Central with Love and Peace (OCLP)” o Occupy Central sa mapayapang pagpapahayag ng kanilang damdamin.
Never pang nakaranas ang mga Tsino ng eleksyon o ng demokrasya bagama’t may ilang beses na ring tinangka ng ilang mamamayan na makatikim ng kalayaan.
Magmula sa mga emperor at mga namumuno ng People’s Republic of China (PROC) na itinatag ni chairman Mao Ze Dong, ni minsan ay hindi nakaranas ang mga Tsino ng tunay na kalayaan, maski pa noong ang HK ay hawak ng Great Britain na kung tawagin ngayon ay United Kingdom (UK).
Nag-umpisa ang protesta sa HK noong Sept. 27 ng isang Benny Tai Yiu Ting, isang law professor ng University of Hong Kong.
Layunin nila na ma occupy ang Central, ang gusali na kung nasaan naroon ang seat of government ng Hong Kong.
Ang layunin nila ay magkaroon ng isang pamahalaan na pinamumunuan ng mga hinalal ng bayan at hindi ang mga opisyal na appointed lamang ng PROC.
Malamang na hindi ito papayagan ng PROC dahil labag ito sa patakaran ng China.
Ngunit ang natitiyak ko ay matutuloy ang mga ganitong protesta maski na abutin pa sila ng maraming siglo.
Ganyan din naman ang nangyari noon sa Union of Soviet Socialist Republic o USSR na unti-unting nabuwag hanggang sa lumiit ang dati nitong kaharian na kung tawagin na lamang ngayon ay Russia. DEEP FRIED/RAUL VALINO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment