KRITIKAL ang isang pulis matapos makabungguan ang isang motorsiklo sa Caloocan City, Linggo ng madaling-araw, Oktubre 26.
Inoobserbahan sa Orthopedic Hospital sanhi ng pinsala sa katawan si SPO4 Leonardo Marcos, ng Plaridel, Bulacan.
Sa ulat, alas-5:15 ng madaling-araw, dala ng pulis ang kanyang motorsiklo nang pagsapit sa 2nd Avenue St. ay nakabanggaan niya ang motorsiklong dala ni Jaypee De Guzman, 27.
Tumilapon ang pulis at bumagsak sa sementadong kalsada dahilan upang dalhin sa Orthopedic kung saan inaalam na ng mga pulis kung sino ang may kasalanan sa nabanggit na insidente. RENE MANAHAN
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment