Monday, October 27, 2014

“Mas gumaling ka ngayon ah!” — Pingris kay Fajardo

WALANG ibang nagawa ang star forward ng Purefoods Star Hotshots na si Marc Pingris kundi panoorin kung paano pinataob ng San Miguel Beermen ang kanyang koponan kagabi, Oktubre 26, 87-80, sa ginaganap na PBA Philippine Cup.


Hinirang na best player si 6-foor-10 center June Mar Fajardo na kumana ng 22 puntos at 15 boards upang malasap ang ikalawang sunod na panalo, at ibigay naman ang ikalawang sunod na talo sa defending champion team.


Matapos ang laban, nilapitan ni Pingris ang kanyang kaibigan na si Fajardo sa gitna ng court na nagbatian at nagyakapan pa.


Hindi makapaniwala si Pingris sa naging pagbabago nf laro ni Farjardo na mas gumaling at mas lumakas pa.


Si Fajardo ang reining MVP noong nakaraang season na sinisikap matikman ang kanyang unang kampeonato sa Beermen.


“Masaya ako sa tinatakbo ng career ni June Mar ngayon,” ani Pingris sa ilang reporter.


Sinabi ni Pingris kay Fajardo na mas gumaling ito pero sumagot si Fajardo, “Hindi dahil kasi wala ka.”


Naging matalik na magkaibigan na ang dalawang magagaling na manlalaro simula ng pumasok sila sa team Gilas.


“Every time naman nag-i-improve naman talaga laro ni June Mar, eh. Pero sa susunod na laban namin tatalunin namin ‘yan,” dagdag pa ni Pingris. GILBERT MENDIOLA


.. Continue: Remate.ph (source)



“Mas gumaling ka ngayon ah!” — Pingris kay Fajardo


No comments:

Post a Comment