Monday, October 27, 2014

‘OPLAN MALIGNO’ AT VK KALAT SA CAINTA

KUNG totoo man o kathang-isip lamang ni Vice-President Jojo Binay ang “Oplan Maligno” ay halatang inililihis lamang ni Nognog ang usapin ng pangungurakot umano nito at kanyang pamilya.


Gaya, parekoy, ng paulit-ulit na sinasabi natin, na bagama’t naniniwalang lubos ang inyong lingkod na totoong may maligno nga sa mga transaksyon sa Makati, pero hindi tayo pabor sa timing ng isinasagawang imbestigasyon ng Senado kontra sa pamilyang Binay.


Dahil hindi tayo nakatitiyak kung may patutunguhan ito pagkatapos ng halalan sa 2016. In short, nakikita nating election lang ang dahilan kung bakit pinipilipit ngayon si Nognog.


Dahil kung tumimbuwang nga naman ang kredibilidad nito ay tiyak na may makikinabang. Walang iba kundi si Mar Roxas!


Gayunman, wala nang magagawa si Nognog, este, si Binay dahil nakalundag na ika nga, ang pusa mula sa basket! Nariyan na ‘yan, at hindi na maaring kontrahin sa pamamagitan ng pag-atake sa Palasyo o sa mga mambabatas na nag-iimbestiga nito.


Kung gusto talaga ni Binay na iligtas ang kanyang pangarap na maging Presidente ay nararapat lang na harapin na niya ang Senado at magprisinta ng mga dokumentong magpapatunay na siya ay hindi maligno! Ehek!


Ang ginagawa kasi ngayon ni Binay ay rekta itong umaapela sa taumbayan na kesyo ay hindi dapat paniwalaan ang isyu na siya ay kawatan.


Na kesyo siya ay sinisiraan lamang dahil sa nalalapit na election. Na kesyo ang imbestigasyon ng Senado ay bunsod lamang ng Oplan Nognog o Maligno.


Ginoong Maligno, este, Binay, sa ginagawa mong ‘yan ay para mo na ring sinasabi na naniniwala kang mga bugok o tanga talaga kaming mga Filipino. Na basta na lang naming paniniwalaan ang sinasabi mo na malinis ka.


Kung malinis ka nga, eh, bakit ayaw mong harapin ang imbestigasyon ng Senado? Siguro nga totoong may nadikwat ka, hano?


Ilaglag ang maligno! Ehek!


-o0o-


Patuloy na hinahayaan nina Cainta Mayor Kit Nieto at ng kanyang Chief of Police ang talamak na operasyon ng video-karera (vk) ni Junie.


Siguro, Mayor Nieto, malaki nga ang pakinabang diyan sa iligal na sugal sa lugar mo!


Kaya hindi mo ito maipatigil! King-ina! Talaga bang wala kang planong utusan ang iyong mga pulis na ipatigil na itong iligal na sugal sa iyong nasasakupan?


Ikaw nga ba, mayor, itong tinutukoy ni Junie na pader sa Cainta na siyang tunay na may-ari ng naglipanang vk machine?


Hanggang kailan ka kaya magbibingi-bingihan, yorme? Hanggang sa matalo ka sa election 2016? BURDADO/JUN BRIONES


.. Continue: Remate.ph (source)



‘OPLAN MALIGNO’ AT VK KALAT SA CAINTA


No comments:

Post a Comment