Friday, October 3, 2014

1 patay sa karambola sa NLEx

NAGKABUHOL-BUHOL ang kaninang umaga, Biyernes, dahil sa limang nagkarambolang mga sasakyan sa southbound ng NLEx.


Sinabi ni Robin Ignacio, traffic manager ng NLEx, alas-5:00 Biyernes ng madaling-araw nang maganap ang aksidente sa Kilometer 53, bago dumating ng Candaba.


Kabilang sa naaksidente ang trak na may kargang mga manok, isang dump truck, dalawang bus at isang pickup.


Ayon kay “Benjie” na helper ng trak na may kargang manok, unang binangga ng Victory Liner bus ang likod ng kanyang trak dahilan upang tumagilid ito.


Bumalandra pa aniya ang Victory Liner dahilan upang tumbukin din nito ang paparating na Dominion bus.


Ayon kay “Benjie,” patay sa aksidente ang konduktor ng Dominion bus habang sugatan ang isang pasahero nito.


Alas-5:27 ng madaling-araw, umabot sa apat na kilometro ang haba ng trapik na ininda ng mga motoristang papalabas ng Metro Manila matapos isara ang buong southbound ng Kilometer 53. Partikular na umabot sa San Simon Exit ang pila ng mga sasakyan.


Nagbukas naman ng counterflow lane sa northbound lane ng kalsada.


Kaagad namang umalis ang dump truck habang iniimbestigahan pa ang ibang naaksidenteng sasakyan. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



1 patay sa karambola sa NLEx


No comments:

Post a Comment