INAASAHANG magkakaroon ng power interruption ang ilang parte ng Quezon province na aabot sa siyam na oras bukas, Miyerkules, ayon sa National Grid Corp. of the Philippines.
Sa inilabas na advisory ng NGCP, magkakaroon ng power interruption bandang alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon kung saan maapektuhan ang mga consumers ng Quezon Electric Cooperative II.
Ito’y bunsod ng isasagawang pagkukumpuni sa Famy-Infanta 69kV transmission line. MARJORIE DACORO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment