TODAS ang isang Pinay na empleyado ng City Hall sa San Francisco, California makaraang masalpok ng tourist bus habang tumatawid sa pedestrian lane sa Civic Center Plaza.
Nasagasaan si Priscilla “Precy” Moreto, 67, alas-11:00 ng umaga noong Oktubre 23 ng isang tourist bus.
Ayon sa driver ng bus, hindi niya nakita ang pagtawid ng biktima dahil abala sila sa pagtingin sa City Hall.
Dahil dito, sumulat na ang National Federation of Filipino American Associations sa Board of Supervisors ng bus upang itigil ang pagkakarooon ng “multi-tasking” bus drivers na siya ring nagsisilbing tour guide habang nagmamaneho.
“These drivers get distracted and pose a grave danger to seniors and small children who are often hard to see,” nakasaad sa NAFFAA letter. MARJORIE DACORO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment