Tuesday, October 28, 2014

4-day workweek, ibabasura ng Korte Suprema

TINIYAK ngayon ng Korte Suprema na ibabasura nila ang isinusulong ng pamahalaan na four-day work scheme sa mga ahensya ng gobyerno.


Ayon sa ipinalabas na notice of resolution ng Supreme Court (SC) na nilagdaan ni Clerk of Court Enriqueta Vidal, hindi magpapatupad ang Kataas-taasang Hukuman ng 4-day work week scheme sa hudikatura alinsunod na rin sa naging rekomendasyon ng Office of Administrative Services sa Supreme Court En Banc.


Ayon naman sa Civil Service Commission (CSC), hindi sapilitan ang pagpapatupad sa nasabing sistema.


Una nang nagpalabas ng resolusyon ang CSC noong Setyembre 8, 2014, na ipatupad ng ibang ahensya ng gobyerno ang 4-day workweek scheme sa Metro Manila para maibsan ang matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



4-day workweek, ibabasura ng Korte Suprema


No comments:

Post a Comment