Monday, October 6, 2014

Police station pinasabugan ng granada

PINASABUGAN ng granada ang isang istasyon ng pulisya kagabi ng dalawang hindi nakilalang suspek sa Tondo, Maynila.


Sa inisyal na report, alas-10 kagabi nang hagisan ng granada ng riding-in-tandem ang likurang bahagi ng Manila Police District – Station 1 sa Raxabago sa Tondo, Maynila.


Wala namang nasaktan sa insidente maliban sa nasirang service motorcycle ng isang pulis na nakaparada sa likurang bahagi ng nasabing police station.


Narekober sa lugar ang fragments ng granada na isang MK2.


Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa paghagis ng granada sa nasabing istasyon ng pulisya. Jocelyn Tabangcura-Domenden


.. Continue: Remate.ph (source)



Police station pinasabugan ng granada


No comments:

Post a Comment