NAGSISINUNGALING umano at hindi nagsabi ng buong katotohanan sa nangyaring Senate inquiry si Philippine National Police (PNP) chief Dir. Gen. Alan Purisima.
Ito ang nagkakaisang pahayag nina Sen. Serge Osmeña at Senate committee on public order and dangerous drugs Chairperson Grace Poe.
Sa ngayon ay binabalangkas na ng komite ang kanilang report na nalikom mula sa mga nakaraang pagdinig.
Pero posibleng makaapekto umano ang mga sinabi ni Purisima sa hearing sa ilalabas nilang committee report.
Nadismaya naman si Osmeña sa sinabi ni Purisima na hindi niya nakita ang buong disenyo ng ipinatayong gusali mula sa mga donors. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment