Wednesday, October 1, 2014

Bagyo sa labas ng PAR, ‘di nakaaapekto sa Phl

HINDI makaaapekto ang bagyong nasa labas ng Philippine area of responsibility (PAR) na binabantayan ng PAGASA.


Ayon kay PAGASA weather forecaster Gener Quitlong, wala pa ring epekto sa bansa ang bagyo bagama’t severe tropical storm na ito ngayon at malapit nang maging typhoon.


Una nang sinabi ng PAGASA na bago mag-weekend, posibleng lumagpas ang sentro nito sa PAR line.


Oras na pumasok sa PAR, tatawagin itong Bagyong Neneng. Sa pinakadulong Hilagang-Silangang gilid lamang ng PAR ito posibleng umabot at hindi nakikitang magla-landfall sa ngayon.


Gawing Mindanao, partikular sa CARAGA at Davao regions, lamang ang makaaasa ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan dahil sa intertropical convergence zone (ITCZ).


Maaliwalas naman ang panahon sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa bukod na lamang sa pulo-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Bagyo sa labas ng PAR, ‘di nakaaapekto sa Phl


No comments:

Post a Comment