Tuesday, October 7, 2014

Pinoy, piloto ng pinakamalaking eroplanong lumapag sa NAIA

IPINAGMALAKI ng bansang Pilipinas ang Pilipinong piloto ng pinakamalaking eroplano na lumapag kagabi sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).


Kinilala ang Piloto na si Captain Franklin Desiderio, ang kauna-unahang Pilipino na nasertipikahan bilang piloto ng double-decker plane.


Ang Emirates airlines A-380 mula sa Dubai ay inabangan din maging ni Pangulong Benigno Aquino III kagabi sa NAIA terminal 3.


Ang Emirates super jumbo jet ay binigyan ng water-cannon salute matapos lumapag sa NAIA.


Napag-alamang ang Emirates ay ang kauna-unahang airline na nagpatupad ng commercial flight mula sa Dubai patungong Manila gamit ang A-380.


Bago lumapag ang eroplano ay ininspeksyon muna ng Pangulong Aquino ang mga pasilidad ng NAIA na itinuturing ng isang U.S. magazine na isa sa mga worlds worst airport. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Pinoy, piloto ng pinakamalaking eroplanong lumapag sa NAIA


No comments:

Post a Comment